Home HOME BANNER STORY Ex-PNP chief Verzosa pinawalang-sala ng Sandiganbayan sa chopper deal anomaly

Ex-PNP chief Verzosa pinawalang-sala ng Sandiganbayan sa chopper deal anomaly

150
0

MANILA, Philippines – Pinawalang-sala ng Sandiganbayan Seventh Division si dating Philippine National Police (PNP) chief Jesus Verzosa kaugnay sa maanomalyang pagbili ng second-hand helicopters ng PNP noong 2009.

Inalis na rin ng anti-graft court ang hold departure order laban kay Verzosa at iba pang respondent na inabswelto at iniutos na maibalik ang kanilang cash bonds.

Kabilang sa mga kapwa inabswelto ng Sandiganbayan sa kasong graft ay sina Police Deputy Director General Jefferson Soriano, Police Superintendent Roman Loreto, Police Director George Piano, Pol. Supt. Luis Saligumba, Pol. Supt. Job Nolan Antonio, Police Superintendent Edgar Paatan, Police Chief Inspector Maria Josefina Recometa, Police Superintendent Claudio Gaspar Jr., SPO3 Ma. Linda Padojinog, PO3 Avensuel Go Dy at Ruben Gongona.

Samantala, limang kapwa akusado ang hinatulan naman na guilty beyond reasonable doubt. Ito ay sina P/Dir. Luizo Ticman, P/Dir. Ronald Roderos, P/Dir. Romeo Hilomen, P/Dir. Leocadio Santiago Jr. at Hilaro de Vera.

Sinentensyahan sila na makulong ng mula anim na taon hanggang walong taon at dagdag na parusa na habang buhay na bawal na magtrabaho sa gobyerno.

Inatasan ang limang respondent na magbayad ng civil liability na aabot sa P11,377,153.23 sa kada unit ng dalawang pre-owned Robinson R44 Raven I helicopters na may 6% interest per annum.

Si Police Director Ronald Roderos ay napatunayan ron na guilty sa kasong falsification of public document at hinatulan na makulong ng mula apat na taon hanggang walong taon .

Nag-ugat ang kaso sa umano’y secondhand helicopters na pag-aari ni dating First Gentleman Jose Miguel Arroyo na ibinenta sa PNP kung saan ipinasa bilang brand new.

Taon 2012 ng ideklara ng Office of the Ombudsman na nagdulot ng “undue injury” sa pamahalaan ang naturang deal na umabot sa P34.6 million.

Bilang pagtalima sa desisyun ng Supreme Court, taon 2022 ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong graft laban kay Gng Arroyo kaugnay sa naturang chopper deal. Teresa Tavares

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here