KAPUWA naniniwala ang Pilipinas at Singapore sa pangangailangan na plantsahin ang long-standing disputes sa South China Sea (SCS) sa pamamagitan ng mapayapang negosasyon.
Tinalakay ang posisyon ng dalawang bansa sa usapin ng SCS sa isinagawang bilateral meeting ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Singaporean President Tharman Shanmugaratnam sa Palasyo ng Malakanyang.
Sa isang joint statement na inihayag sa President’s Hall ng Malakanyang matapos ang kanyang bilateral meeting kay Shanmugaratnam, sinabi ni Pangulong Marcos na ang diplomatic approach ay makapagpapababa sa tensyon sa SCS.
“Aside from bilateral issues, we also discussed regional issues of mutual interest. As geographical neighbors in Southeast Asia, the South China Sea/West Philippine Sea holds great importance to both our countries,” ayon kay Pangulong Marcos.
“So, we look forward to the opportunity to reaffirm our commitment to maintain and to promote peace security and stability in the region, as well as our strong support for the peaceful resolution of any such disputes,” aniya pa rin.
Sinabi naman ni Shanmugaratnam na ‘consistent’ ang Singapore na panindigan ang karapatan ng lahat ng estado sa ‘freedom of navigation at overflight.’
Nanawagan din ito ng pagtalima sa international law para pagaanin ang tensyon sa SCS.
“The South China Sea is an extremely important issue,” ayon kay Shanmugaratnam sabay sabing “[Singapore] strongly supported the peaceful resolution of disputes, in accordance with the international law, including the 1982 UN Convention on the Law of the Sea or UNCLOS. That’s fundamental. UNCLOS has to be the legal framework within which all activities in the oceans and seas are carried out.”
Ang Pilipinas, Tsina at ilang iba pang coastal states ay nag-overlap sa territorial claims sa SCS.
Samantala, patuloy namang binabasura ng Tsina ang UNCLOS-based arbitration award, iginigiit ng Tsina na pag-aari nito ang vast trade route, kabilang na ang katubigan ng Pilipinas sa West Philippine Sea. Kris Jose