Home METRO Ex-POGO workers nasakote sa pagbebenta ng pekeng pera

Ex-POGO workers nasakote sa pagbebenta ng pekeng pera

MANILA, Philippines – Dalawang dating POGO workers ang naaresto sa Las Piñas matapos mahuling nagbebenta ng pekeng ₱1,000 online, ayon sa PNP Anti-Cybercrime Group.

Kinilala ang mga suspek bilang sina “Usa” at “Agila,” na nahuli sa entrapment operation matapos makita sa social media ang pagbebenta ng pekeng pera sa halagang ₱150 kada piraso.

Nakuha sa kanila ang 150 pekeng pera na nagkakahalaga ng ₱22,500. Ayon sa BSP, kapansin-pansin ang mga depektong watermark at printed security thread sa mga pekeng pera.

Sinabi ng PNP-ACG na nagsimula ang pagbebenta ng mga suspek matapos ipagbawal ang POGO noong 2023.

Kakasuhan sila sa ilalim ng Article 168 ng Revised Penal Code at RA 10175 (Cybercrime Law). Ayon sa PNP, babala ito sa mga gumagamit ng social media para magpakalat ng pekeng pera. RNT