Home NATIONWIDE Ex-press secretary ni PBBM inisyuhan ng subpoena ng NBI

Ex-press secretary ni PBBM inisyuhan ng subpoena ng NBI

200
0

MANILA, Philippines – Pinadalhan na rin ng National Bureau of Investigation (NBI) ng subpoena ang ilang media na nasa press conference at staff ng Vice President Sara Duterte.

Inihatid naman sa opisina ng Bise Presidente ang panibagong subpoena laban sa kanya.

Kasama sa ipinatawag ng NBI ang dating Malacanang spokesperson na si Trixie Cruz-Angeles na kasama rin sa nasabing press conference.

Nakatakdang haharap sa NBI si VP Sara sa Disyembre 11 habang ang ibang pinadalhan ng subpoena ay mauunang haharap sa loob ng linggong ito.

Ang paghahain ng subpoena sa ilang indibidwal ay para magbigay ng salaysay at sagutin ang mga katanungan ng NBI .

Paliwanag din ng NBI na ang paghahain ng subpoena sa staff at media ay hindi nangangahulugan na sila ay mga suspek ngunit para magbibigay ng paglilinaw hinggil sa ginawang press conference.

Nauna nang ipinatawag ng NBI si Duterte noong Nob. 28 ngunit hindi ito humarap at sa halip ay nagpadala ng sulat sa kanyang abogado at hiniling na i-reschedule sa Dis.11

Ayon sa NBI, sakaling hindi pa rin humarap si Duterte sa nasabing petsa at walang malinaw na paliwanag ay ituturing na itong waiver o mababalewala na ang kanyang karapatan na magpaliwanag o mapakinggan. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here