MANILA, Philippines – Inilabas na ng Department of Budget and Management (DBM) ang P1 bilyong budget para sa Department of Public Works and Highways para sa pagpapatupad ng disaster-related infrastructure projects.
Sinabi ni DBM secretary Amenah Pangandaman na ibinigay na Ang pondo sa DPWH at idinagdag na base na rin sa kautosan ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr para sa kagyat na pagsasaayos ng tulay, kalsada,paaralan at iba pang imprastraktura na sinira ng magkaka sunod na bagyo.
Ayon pa kay Pangandaman, ang pagpapalabas ng Special Allotment Release Order ay may bisa para maiobliga hanggang ika-31 ng Disyembre 2025.
Naglaan din ang DBM ng kabuuang P22.736 bilyon para sa National Disaster Risk Reduction and Management Fund.
Sa halagang ito, P22.479 bilyon ang na-release sa mga kinauukulang national government agency, kabilang ang DPWH, Department of Social Welfare and Development, Department of Human Settlements and Urban Development, Department of National Defense, Department of Finance, Department of Agriculture, Department of Interior and Local Government, at iba pang Government Owned and Controlled Corporations.
Umaabot naman sa P13.888 bilyon nito ay ipinalabas para sa augmentation ng Quick Response Fund ng mga naturang ahensya. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)