MANILA, Philippines – Tuluyan nang simulan ng Senate Blue Ribbon Committee ang imbestigasyon sa war on drugs ng nakaraang administrasyong Duterte na may layunin na tukuyin kung “state-sponsored” ang pagpatay sa lahat ng kasangkot sa droga.
Sa pagsisimula ng pagdinig, dumalo ang halos lahat ng mambabatas sa pangunguna ni Senador Aquilino “Koko” Pimentel III bilang vice chairman ng Blue Ribbon Committee.
Dumalo rin sa pagdinig sina dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte at si dating Senador Leila De Lima na ipinakulong noong matapos patalsikin bilang chairman ng Senate committee on justice and human rights.







