MANILA, Philippines – Hinimok ni Senador Robin Padilla nitong Huwebes, Oktubre 3, si dating Pangulong Rodrigo Duterte at isa pa nitong anak para tumakbo bilang senador.
Si Padilla ay pangulo ng Partido Demokratiko Pilipino (PDP), na nagbigay ng pahayag matapos niyang samahan ang mga senatorial bet ng Partido sa paghahain ng certificate of candidacy sa Manila Hotel Garden City.
“Ako, hanggang ngayon, nakikiusap kay mayor na tumakbo… Gusto ko na tumakbo siya, kung hindi siya isa sa mga anak niya ang tumakbo [for Senator],” pahayag ni Padilla.
“Kasi talagang para sa amin, napakahalaga sa PDP na may Duterte — kasi ang PDP ay Duterte,” dagdag pa.
Si Duterte ang kasalukuyang chairman ng PDP.
Noong Hunyo, sinabi ni Vice President Sara Duterte na ang kanyang ama, Davao 1st District Rep. Paolo Duterte, at Davao City Mayor Sebastian Duterte ay tatakbo bilang senador sa eleksyon sa susunod na taon.
Sa kabila nito, itinanggi naman ng dating Pangulo na siya ay tatakbo bilang senador. RNT/JGC