Home NATIONWIDE 4 trabahador todas sa loob ng tangke ng pabrika ng patis sa...

4 trabahador todas sa loob ng tangke ng pabrika ng patis sa Obando

204
0

Bulacan – Patay ang apat na lalaking mga trabahador matapos hindi makahinga sa nakabaong concrete tank ng abandonadong pabrika ng patis sa bayan ng Obando.

Kinilala ang mga biktimang sina Rodolfo Tolentino, caretaker, Michael Lumukso, Eduardo Salomag at Raffy Felix kapwa nasa hustong gulang at mga construction worker.

Sa report ng Obando police, naganap ang insidente bandang 2:00 ng hapon nitong Oktubre 3, sa pabrika ng patis sa Brgy. Panghulo.

Ayon sa imbestigasyon, namataan ng helper na nagngangalang Allan sa lugar ang nakabulagtang si Tolentino sa kanyang nililinis na concrete tank na may lalim na 12 talampakan.

Agad na humingi ng tulong si Allan sa tatlong construction worker na nasa lugar para saklolohan si Tolentino subalit sila rin ay hindi nakahinga at bumulagta sa loob ng naturang tangke.

Dahil dito, agad nagsagawa ng rescue and retrieval operation ang mga awtoridad at kalaunay dinala ang mga bangkay para sa nakatakdang autopsy examination. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here