Home NATIONWIDE Ex-SBMA head itinalagang Pagcor president, COO  

Ex-SBMA head itinalagang Pagcor president, COO  

MANILA, Philippines- Itinalaga ang dating pinuno ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) bilang bagong presidente at chief operating officer ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor).

Inanunsyo ng gaming regulator at operator na nanumpa si Wilma Eisma bilang bagong presidente at COO nito sa harap ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa Malacañang noong Abril 18. 

Si Eisma ang kauna-unahang presidente at COO ng Pagcor, na humalili kay Juanito Sanosa Jr. na nag-resign noong Enero.

“We are happy to welcome Atty. Wilma Eisma as Pagcor’s new president and COO,” pahayag ni Pagcor Chairman Alejandro Tengco. 

“We know she will be a great asset, and her vast experience in both the government and private sectors will surely be put to good use here,” patuloy niya.

Pagkatapos manumpa, agad na dumalo si Eisma sa una niyang Pagcor board meeting noong Huwebes ng hapon.

Si Eisma ay isang abogado na nagtapos ng law sa Ateneo de Manila University. 

Bago pumasok sa state gaming firm, nanungkulan siya bilang miyembro ng board of directors ng Development Bank of the Philippines. 

Siya rin ang kauna-unahang babaeng administrator at chairman ng SBMA. 

Nagtrabaho rin siya sa PMFTC Inc., ang local affiliate ng Philip Morris International. 

Gayundin, nanungkulan siya sa Department of Trade and Industry, kabilang ang Office of the Secretary, at sa Office of the Majority Leader sa Kamara. RNT/SA