Home HOME BANNER STORY Balikatan ‘di paghahanda sa giyera – NSC

Balikatan ‘di paghahanda sa giyera – NSC

MANILA, Philippines- Hindi naghahanda ang Pilipinas para sa giyera dahil sa magsasagawa ito ng Balikatan joint military exercises kasama ang Estados Unidos.

Tiniyak ni National Security Council (NSC) Assistant Director General Jonathan Malaya sa mga kaalyado nito na hindi gagawin ng Pilipinas ang pumasok sa napipintong digmaan sa gitna ng umiigting na territorial tensions sa West Philippine Sea at Asia-Pacific region.

“Alam ko po karamihan sa inyo are worried because you know we see things like magkakagiyera na ‘no, we see things that you know this is a proxy war–may mga ganoong ano eh. War is not on the table–let me just make that very clear,” ayon kay Malaya.

“War is not one of the instruments of national policy of the Philippines… Just because we have Balikatan doesn’t mean we’re going to go to war. The only way to preserve peace is to have a strong deterrence capability,” dagdag na wika nito.

Nagpahayag kasi ng pagkabahala ng Beijing sa deployment ng medium-range missile system ng Estados Unidos sa northern Luzon.

Tinuligsa naman ng citizen’s movement group na P1NAS ang deployment ng missile launchers sa Philippine soil sabay sabing ito’y “openly signaling hostile intent against China, giving the US the capability to launch attacks on China’s homeland from our own territory.”

Giit ni Malaya, walang plano ang Pilipinas na masangkot sa anumang uri ng labanan. Ang Balikatan exercises ay para rin naman sa pagpapahayag ng interes ng ibang bansa na sumali sa drills.

“Ang observers natin 14–ganoon kadami iyong mga bansa na hindi lang salita, gawa na ngayon–nagpapadala sila ng tropa mula sa bansa nila and they are asking permission to join. In fact, ang dami-dami nang mga bansa na gustong pumirma ng Visiting Forces Agreement–kahit iyong New Zealand na kay layu-layo sa atin ay gustong magkaroon ng exchange ng militaries nila with us, to help us strengthen our defenses,” ani Malaya.

Samantala, sinabi ni Malaya na ang Balikatan ay tatakbo mula Abril 22 hanggang Mayo 10, nakatuon para palakasin ang “defense capacity at capability” ng Pilipinas at maging ang “interoperability at cooperation” ng mga pwersang Pilipino at Amerikano. Kris Jose