Home ENTERTAINMENT Heart, nagpa-inject, inayos ang ugating kamay!

Heart, nagpa-inject, inayos ang ugating kamay!

Manila, Philippines – Malaki ang ipinagpapasalamat ni Heart Evangelista sa ineendorso niyang skin clinic.

Sa pamamagitan kasi ng Aivee Bionutrition, very positive ang hand and neck rejuvenation na pinagdaanan niya.

Ito ‘yung sumailalim ang global fashion icon sa multiple injections na kung ilarawan nga niya’y “It’s not painful!”

Sumang-ayon nga ang kanyang skin specialist that she badly needed such procedure dahil hindi na raw mapigilan ang pagiging ugatin ng kanyang mga kamay.

Damay na rin ang leeg ni Heart para kuminis ito.

Sa ngayon, keri na ni Heart na iwagayway ang kanyang mga kamay na bukod sa tanggal na ang visible veins ay hindi na rin dry.

Gone are the days na conscious si Heart sa appearance ng kanyang mga kamay na nangangalit ang mga ugat.

Samantala, umani ang misis ni Sen. Chiz Escudero sa latest content ng ginawa niyang vlog.

Ipinakilala kasi ni Heart ang alter ego niyang si “Veronica Marie,” ang babaeng hindi makapagdesisyon kung anong outfit ang isusuot kahit sa dami ng mga damit na pinagpipilian.

Heart’s real name is Love Marie Ongpauco.

Aminado si Heart na kadalasan, she has a tendency to be indecisive with regard to wearing outfits appropriate para sa dadaluhang events.

Partikular na kinabiliban ng mga netizens ang pagiging creative ni Heart by creating a character na extension ng kanyang sarili. Ronnie Carrasco III