Home METRO Ex-seaman utas sa sumemplang na bisikleta

Ex-seaman utas sa sumemplang na bisikleta

Image Representation Only

PANGASINAN-Tigok ang isang dating seaman matapos sumemplang ang minamaneho nitong biseklita sa Brgy. Laguit Padilla, Bugallon ng lalawigang ito nitong Lunes, Mayo 20.

Kinilala ng Bugallon Municipal Police Station ang biktima na si Armando Caramat Tacloban, 60, may asawa, retired seaman, residente ng Brgy. Poblacion ng naturang bayan.

Sa inisyal na imbestigasyon, papunta sa mataas na parte ng barangay road sa Mt. Zion sa Brgy. Laguit Padilla ang biktima na nakasakay ng kulay green na fat bike nang bigla na lang matumba sa kalsada.

Hinihinalang nawalan ng kontrol sa manibela ang biktima kaya sumemplang ang kanyang biseklita.

Dahil dito, nagtamo ng mga sugat ang biktima.

Hindi na dinala sa ospital ang biktima dahil kumbinsido ang kanyang pamilya na may sakit/chestpain ang biktima na nagresulta sa agarang pagkamatay nito. Rolando S. Gamoso