Home METRO Ex-tanod chief 2 beses binoga sa ulo, patay!

Ex-tanod chief 2 beses binoga sa ulo, patay!

Bulacan- Dead on the spot ang 55-anyos na lalaking lulan ng tricycle matapos umanong barilin ng dalawang beses sa ulo ng hindi nakilalang gunman sa bayan ng Pandi.

Kinilala ang biktima na si Fernando Lasco, may-asawa, tubong Candaba, Pampanga at residente ng Brgy. Siling Bata.

Sa report kay Bulacan Police director PCOL. Relly Arnedo ng Pandi police, nangyari ang pamamaril bandang alas-10:15 ng umaga nitong Pebrero 5 sa Brgy. Bagong Barrio.

Ayon sa report ng Pandi police, isang tawag sa cellphone ang kanilang natanggap na may nangyaring pamamaril kaya rumesponde sila sa nabanggit na lugar.

Nang makarating ang mga pulis sa lugar ay bumulaga sa kanila ang nakahandusay na duguan at walang buhay na biktima.

Base sa nakalap nilang impormasyon mula sa ilang bystanders, ang biktima ay lulan ng tricycle nang barilin ng dalawang beses sa ulo ng gunman na kanyang agarang ikinamatay.

Nabatid na mabilis na naglaho ang gunman sa lugar matapos mamaril sa hindi malamang direksyon.

Sinasabing dating hepe ng barangay at kasalukuyang tricycle driver ang kalunos-lunos na biktima, ayon na rin sa nagviral na Facebook post patungkol sa naturang insidente.

Dahil dito agad silang nagsagawa ng dragnet operation at patuloy ang kanilang imbestigasyon sa naturang insidente. Dick Mirasol

Previous articleKelot todas sa naputol na hanging bridge
Next articleTulak nalambat sa P2.1M droga sa Caloocan