Home METRO Kelot todas sa naputol na hanging bridge

Kelot todas sa naputol na hanging bridge

DAVAO DEL NORTE- Patay ang isang lalaki habang 38 ang sugatan matapos maputol ang tinatawiran nilang hanging bridge, nitong Lunes sa bayan ng Kapalong.

Kinilala ang nasawi na si Castillo Adot, 57-anyos, at residente ng Purok 2 Taguango, Sua-on, Kapalong, Davao del Norte.

Nakaligtas naman ang 38 katao kabilang ang 13 bata at 25 na nasa tamang edad matapos tulungan ng mga residente at rescuers.

Batay sa report bandang alas-8:20 ng umaga nang maganap ang insidente sa nasabing lugar.

Ayon sa mga awtoridad, bago ang insidente ay nagpaalala sila sa mga residente na huwag huminto sa gitna ng tulay habang tumatawid dahil kinakalawang na ang mga bakal sa gilid na bahagi.

Dahil sa lakas ng ulan at hangin ay bigla na lamang naputol ang tulay dahilan para anurin ang mga biktima sa sapa at tangayin ang mga ito ng tubig-baha.

Sa pagresponde ng mga tauhan ng Kapalong Disaster Risk Reduction and Management Office nasagip ang 38 katao habang nakita naman nagpalutang-lutang ang bangkay ni Adot sa bahagi ng Purok 1 Florida. Mary Anne Sapico

Previous articlePubliko hinikayat ng DA na kumain ng itlog sa gitna ng oversupply
Next articleEx-tanod chief 2 beses binoga sa ulo, patay!