Home ENTERTAINMENT Ex-VHB, binisto ang mga bet sa sexiest woman ng FHM 2026!

Ex-VHB, binisto ang mga bet sa sexiest woman ng FHM 2026!

13
0

Manila, Philippines – Kung sila ang tatanungin, willing ang mga dating miyembro ng Viva Hot Babes na mag-pose sa sikat na men’s magazine, ang FHM.

FYl, nagbalik na ang FHM nitong

November 6.

Nanawagan nga ng isa sa mga ex-members ng VHB na si Katya Santos: “FHM, don’t forget, nandito pa rin kami!”

Naitanong din sa kanila kung sino ang kanilang bet para sa FHM’s Sexiest Woman ng bansa para sa 2026.

Sagot ni Jaycee Parker, ang TV host-actress daw na si Yassi Pressman ang napupusuan niya–very sexy daw kasi lalo ngayon.

Kung si Jennifer Lee naman daw ang tatanungin, she’ll go for Marian Rivera–na kahit isa nang ina ay sexy pa din.

Pinili naman ni Katya si Julia Barretto dahil sa physical appeal at personalidad nito.

Pero pagdating kay Gwen Garci, iginiit niyang ang mga VHB friends niyang sina Katya at Maui Taylor pa din daw ang sexy para sa kanya.

Hanggang napunta ang usapan sa posibilidad na magkaroon ng special èdition tampok ang mga nanay na, pero malakas pa din ang appeal.

llan sa mga lumutang na pangalan ay sina Alice Dixson, Ina Raymundo at Cristina Gonzales.

Matatandaang taong 2000 noong lumabas ang FHM sa ilalim ng Summit Media.

Na-feature din sa FHM ang ilan sa mga VHB tulad ni Gwen (September 2003), Katya (December 2023), Jaycee at Jennifer Lee kapwa (June 2005).

Nag-stop operations ang naturang men’s magazine noong 2008, pero ang huling FHM copy ay May 2018 kung saan tampok si Nathalie Hart.

Kayo, sino ang bet n’yo bilang country’s Sexiest Woman 2026? Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here