Home ENTERTAINMENT Pokwang, kinabog si Marian!

Pokwang, kinabog si Marian!

1
0

Manila, Philippines – Umabot na sa 80 million ang kinita sa takilya ng Cinemalaya movie na pinagbibidahan ni Pokwang.

Sa patuloy na paghataw nito sa takilya ay hindi imposibleng maabot din nito ang record ng horror movie ng tambalang WilBea nina Wilbert Ross at Bea Binene na umabot na sa 100 million peso mark ang gross.

To date, ang nasabing pelikula ni Pokwang ang may hawak ng record na highest grossing Cinemalaya movie of all time.

Kinabog na nito ang record na naitala ng Liway ni Glaiza de Castro at Balota ni Marian Rivera.

Sa tala, kumita ng humigit-kumulang na 40 milyon ang kinita ng political movie ni Marian nang magkaroon ito ng commercial run.

Sa pamamayani sa takilya ng 2 Valid IDs, pinatunayan ni Pokie na hindi kailangan ang star factor para makagawa ng relevant na pelikula na tatangkilikin ng masa.

Sa paghahari rin sa box office ng dalawang pelikulang palabas sa kasalukuyan, magandang senyales din ito na may pag-asa pa ang industriya ng pelikulang Pilipino sa kabila ng kinakaharap na problema sa ekonomiya ng bansa.

Sey naman ng kibitzers, malaking factor sa tagumpay ng dalawang pelikula ang pagbaba ng admission price sa mga sinehan. Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here