MANILA, Philippines – Suportado ng Simbahang Katolika ang pagtatayo ng isang kapilya sa Kalayaan Island sa West Philippine Sea.
Sa anunsyo ni Antipolo Bishop Ruperto Cruz Santos, iaalay ang Kapilya sa Our Lady of Peace and Good Voyage at regalo umano ng Diocese of Antipolo sa Pilipinas.
“It will stand as a sacred beacon of hope, prayer, and comfort for those who live, work, and visit in this distant part of our nation,” ani Santos.
Ayon pa sa Obispo, ang misyong ito ay nagbibigay-daan sa atin na ipagpatuloy ang paglalakbay ng ating minamahal na Birhen ng Antipolo lampas sa ating mga baybayin.
Ngayon ay naglalakbay siya patungo sa isa pang sulok ng ating bansa, dala ang kanyang maternal na pagkalinga sa kanyang mga anak sa ibayong dagat.
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-400 taon ng pagdating ng Our Lady of Peace and Good Voyage at ika-100 anibersaryo ng kanyang canonical coronation, sinabi ni Santos na nais nilang gawing buhay na pamana ng pananampalataya, kawanggawa, at misyon ang mga biyayang ito.
Magkakaroon ng second collection sa loob ng apat na sunud-sunod na Linggo sa buong Diocese of Antipolo para pondohan ang proyekto.
Nanawagan din si Santos ng donasyon, “no matter how small,” upang makatulong sa construction expenses. Jocelyn Tabangcura-Domenden