Home NATIONWIDE Mahigit 300 domestic flights posibleng maapektuhan sa ASEAN Summit

Mahigit 300 domestic flights posibleng maapektuhan sa ASEAN Summit

2
0

MANILA, Philippines – Maaaring maapektuhan ang mahigit 300 domestic flights sa pagdating ng mga lider ng mga bansa sa Pilipinas para sa ika-49 na ASEAN Summit, ayon sa Department of Transportation (DOTr) nitong Martes, Nobyembre 10.

Pinapayuhan ang mga pasahero na tingnan ang website ng kanilang airline o direktang makipag-ugnayan dito para sa status ng kanilang flight.

Ang mga may kanseladong flight ay may karapatan sa libreng rebooking, buong refund, at travel fund para magamit sa hinaharap.

Hinimok ni Transportation Secretary Vince Dizon ang mga pasaherong may hindi apektadong flight na pumunta nang mas maaga sa paliparan upang makaiwas sa pagkaantala.

Nakatakda ang Summit sa Nobyembre 16 hanggang 18, 2026, ngunit mabigat na trapiko ang mararanasan sa mga kalsada malapit sa paliparan.

Naglabas na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng mga traffic advisory, kabilang ang security exclusion zones, stop-and-go schemes, at mga alternate route para sa mga truck.

Nilimitahan na rin ang pagpasok sa Cultural Center of the Philippines complex at tanging mga awtorisadong tauhan at sasakyan lamang ang pinapayagan.

May ilang motorista pa ring nag-a-adjust dahil sa kakulangan ng mga road signage, ngunit naka-deploy ang mga MMDA enforcer at pulis upang gabayan ang daloy ng trapiko.

Bahagi ng mga security measure ang clearing operations bago ang Summit.

Kaugnay nito, nanawagan naman si Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro sa mga progresibong grupo na ipagpaliban muna ang kanilang mga rally hanggang matapos ang Summit. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here