MANILA, Philippines – NANAWAGAN ang dating mga direktor ng World Health Organization para sa malawakang reporma ng Framework Convention on Tobacco Control na maaaring makapagligtas ng mahigit 100 milyong buhay sa buong mundo pagdating ng 2060 ang pagtanggap sa tobacco harm reduction.
Inilabas sa isang kaugnay na ulat, hinihiling nila ang isang “reset” sa pandaigdigang polisiya sa tabako upang yakapin ang inobasyon at mga low-risk na alternatibo tulad ng e-cigarettes at heated tobacco products.
Ang mga may-akda na sina Tikki Pang, ex-director ng WHO Policy Research function; Derek Yach, isa sa mga pangunahing gumawa ng tobacco policy ng WHO noong 1990s; ekonomistang si Chris Snowdon ng Institute for Economic Affairs; at si Peter Beckett, co-founder ng Clearing the Air, ang nagbabala na kung hindi kikilos ang mga kinauukulan, haharap ang low at middle-income countries ng matinding pasaning pangkalusugan at pang-ekonomiya.
Ayon sa ulat, kung 20% ng mga naninigarilyo sa mundo ay lilipat sa low-risk alternatives sa loob ng susunod na 10 hanggang 15 taon, mabawasan ng kalahati ang smoking-attributable deaths pagdating ng 2060. Sa 23 bansang sinuri, mahigit 14milyong maagang pagkamatay ang maaaring maiwasan kumpara sa kasalukuyang polisiya.
Kung i-aapply sa buong mundo, sinasabi nilang ang pagsasama ng THR, mas pinahusay na cessation support at maagang pag-detect ng sakit ay makapipigil ng higit sa 3M pagkamatay bawat taon.
Sa harm reduction at low risk alternatives, 100M umano ang masasalba sa kamatayan at mapigilan ang 3M kamatayan kada taon.
“With the exception of vaccines, there are no other health interventions that can achieve such massive and affordable health gains,” anito.
Nanawagan ang dating mga direktor na magpakita ng tapang ang mga gobyerno at health leader sa FCTC Conference of the Parties sa Geneva sa Nobyembre 17, 2025, kung saan inaasahan nilang magkakaroon ng panawagang higpitan pa ang regulasyon sa mas ligtas na nicotine products.
“Low and middle-income countries face decades of immense health and economic strain if urgent measures are not taken,” kanilang sinabi. “It is in this sobering context that we believe COP11 must confront a pressing reality: harm reduction for tobacco is not a theoretical debate but a proven strategy with lifesaving outcomes.”
Ipinunto nila ang United Kingdom, Japan at Sweden, kasama ang South Korea, Italy, Poland, Germany, Russia, Romania at United States bilang mga bansang mabilis na bumagsak ang smoking rate dahil sa paglaganap ng vaping, heated tobacco products, at smokeless tobacco tulad ng snus.
Binanggit din nila na sa Sweden, Norway, Denmark at Iceland, ang malawak na paggamit ng snus at nicotine pouches ang nagtulak sa smoking at cancer rates sa ilan sa pinakamababang antas sa buong mundo.
“These countries demonstrate that human behavior can be redirected in safer ways when consumers are presented with viable alternatives,” ang sinabi ng mga ito.
Sa kabilang banda, nananatiling higit sa 45% ang mga lalaking naninigarilyo sa Indonesia, China, Egypt at Jordan.
Binibigyang-diin ng ulat na may etikal na responsibilidad ang scientific societies at journals na tiyaking nauunawaan ng healthcare professionals ang mga benepisyo ng harm reduction.
“Uninformed or misinformed clinicians remain a key barrier to adoption,” ang pahayag ng mga ito.
Sinabi rin nila na tulad ng pagtanggap ng public health sa needle exchange programs at opioid substitution therapy, panahon na para ilapat ang parehong praktikal na pananaw sa nicotine.
Ayon sa mga may-akda, ang pagkakataong makapagligtas ng napakaraming buhay ay walang kapantay, ngunit nakasalalay sa matapang na inobasyon at matatag na pamumuno sa global tobacco policy. RNT