Home SPORTS Exhibition fight ni Floyd Mayweather, kanselado

Exhibition fight ni Floyd Mayweather, kanselado

1
0

MANILA, Philippines – Pormal nang kinansela ang nakatakdang exhibition boxing match nina Floyd Mayweather Jr. at Matty Floyd sa Disyembre 19 sa Bangkok, Thailand.

Inanunsiyo ito ng promoter na The Order Promotions matapos umatras sa pag-oorganisa ng laban dahil sa mga legal na usapin.

Dalawang araw bago ang anunsiyo, nagpahayag ang CSI Sports na haharangin nito ang pagsabak ni Mayweather sa anumang laban kaugnay ng kasong isinampa laban sa boksingero dahil sa umano’y paglabag sa kontrata.

Ayon sa promoter, ibabalik nang buo ang bayad ng mga nakabili ng tiket at hindi na sila makikibahagi sa naturang event.

Ikalawang exhibition fight na ito ni Mayweather na nakansela ngayong taon.
Matatandaang hindi rin natuloy ang planong laban niya kay Mike Zambidis sa Greece noong Hunyo.

May 50 panalo at walang talo sa professional boxing record si Mayweather, kabilang ang 27 knockout, at huli siyang lumaban nang propesyonal noong 2017 kontra Conor McGregor. GP

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here