Home HOME BANNER STORY Expanded number coding scheme suspendido sa Mayo 12

Expanded number coding scheme suspendido sa Mayo 12

MANILA, Philippines – Ipinahayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na suspendido ang expanded number coding scheme sa Mayo 12, Araw ng Halalan.

Sa isang advisory, hinikayat ng MMDA ang publiko na magplano ng kanilang mga biyahe, magmaneho ng maayos, at sundin ang mga regulasyon sa kalsada.

Inanunsyo rin ng Malacañang na ang Mayo 12 ay isang pambansang holiday upang bigyan ng pagkakataon ang mga Pilipino na maayos na magamit ang kanilang karapatan sa pagboto.

Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Proklamasyon Blg. 878 noong Mayo 6, kasunod ng kahilingan ng Commission on Elections upang mapadali ang Eleksyon 2025. RNT