Home NATIONWIDE ‘Extraordinarily large’ fleet ng Chinese ships namataan sa Pagasa Island

‘Extraordinarily large’ fleet ng Chinese ships namataan sa Pagasa Island

MANILA, Philippines – Isang “extraordinarily large” fleet ng Chinese ships ang namataan sa loob ng territorial sea ng Pagasa (Thitu) Island.

Ito ang nakita sa West Philippine Sea monitor, araw ng Miyerkules.

Nito lamang Martes, may “73-75 ships” ang namataan sa 2.5 hanggang 5.5 nautical miles (NM) sa bahagi ng Pagasa Island, na nasa loob ng 12 NM territorial waters, ayon kay SeaLight director at retired US Air Force colonel Ray Powell.

“[This is] by far the largest PRC [People’s Republic of China] vessel swarm I’ve ever seen off Thitu (Pag-asa) Island,” ayon pa rin kay Powell, program head ng Stanford University’s Gordian Knot Center for National Security Innovation, sa kanyang post sa X (formerly Twitter).

Sa mga nakalipas, kinumpirma ng Philippine Navy ang mga ulat na nagkaroon ng malaking pagkabawas sa Chinese maritime militia vessels sa Pagasa Island.

“Their absence or reduction in numbers is attributable to the spate of typhoons that have hit the country in the recent weeks,” ang sinabi naman ni Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, navy spokesperson para sa West Philippine Sea.

At nang tanungin kung ang malaking bilang ng barko sa Pagasa Island ay muling magbabalik kapag bumuti ang panahon, ang naging sagot ni Powell sa panayam ng INQUIRER.net ay “Hard to say. This is an extraordinarily large number—as I said, the most I’ve recorded by a good margin.”

Sinabi pa rin ni Powell na ang pinakabagong hakbang ay maaaring pahiwatig na ang Tsina ay “taking advantage of the political turmoil in Manila to send a message,” direktang tumutukoy sa verbal feud nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vice-President Sara Duterte, dalawang prominenteng pamilya na naging magka-alyado.

Samantala, ang Pag-asa Island ay may laking 37.2 ektarya at 518 kilometro ang layo nito sa Puerto Princesa, Palawan. Ito ang pinakamalaking landmass sa Kalayaan Island Group. Kris Jose