Home HOME BANNER STORY Terrorism playbook kay Teves, ginagawa rin sa’kin – VP Sara

Terrorism playbook kay Teves, ginagawa rin sa’kin – VP Sara

MANILA, Philippines – NATAWA na lamang si Vice President Sara Duterte nang malaman niya na iniimbestigahan na siya ng National Bureau of Investigation’s (NBI) hinggil sa paglabag niya di umano sa Anti-Terrorism Act na malinaw na para lamang ma-access ang kanyang ‘assets at mga ari-arian.’

“Natatawa ako sa violations on the anti-terror law kasi sinusubukan nila to reach sa aking properties and assets,” ang sinabi ni VP Sara sa isang press conference.

Ganito rin aniya ang ginawa kay suspended Negros Oriental congressman Arnolfo “Arnie” Teves Jr.

Matatandaang taong 2023, idineklarang terorista ng Anti-Terrorism Council si Teves at 12 iba pa, tinukoy ang ilan na di umano’y pagpatay at harassment sa Negros Oriental.

Binansagan si Teves bilang mastermind sa pag-atake sa namayapang si Negros Oriental Governor Roel Degamo noong Marso 4, kung saan pinatay ang gobernador.

“Kasi itong violation na ito ng anti-terrorism law ginawa nila ito kay Congressman Arnie Teves so they have a playbook on what you do to a person na kakasuhan mo ng anti-terrorism,” ang sinabi ni VP Sara.

Aniya pa, ang pasaporte ng isang taong nahaharap sa paglabag sa anti-terrorism law ay kanselado. Ilalagay din ang mga ito sa Interpol red notice at mahaharap sa Anti-Money Laundering violation charges.

“Ifre-freeze nila yung pera at properties mo. Hindi ka makakagasto ng pera at hindi ka makakapasok sa properties mo,” ang sinabi ni VP Sara.

Idinagdag pa nito na ang search warrant ay ihahain para makapasok sa properties ng taong hinainan nito at maaaring magtanim ng armas at ilegal na droga para gamitin bilang ebidensiya laban sa akusado.

“This is clearly oppression and harassment for remarks na pinipilit nila to take it out its logical context,” aniya pa rin.

“Yung grave assault, I believe pipilit nilang talaga gawan ng kaso yung mga remarks ko,” dagdag na wika ni VP Sara. Kris Jose