Home NATIONWIDE ‘Di kailanman nanloko ang misis ko – Chito

‘Di kailanman nanloko ang misis ko – Chito

MANILA, Philippines – Hindi nanloloko ng tao ang asawa ko.

Ito ang iginiit ni Chito Miranda ukol sa pagkakaaresto ng kanyang asawa na si Neri Naig dahil sa syndicated estafa at paglabag sa Securities Regulation Code.

Sa Instagram, sinabi ni Chito na hindi nanloko ng tao ang kaniyang maybahay.

“Tulad ngayon, endorser lang sya tapos ginamit yung face nya to get investors. Kinasuhan sya ng mga nabiktima,” paliwanag ng Parokya ni Edgar frontman.

Ani Chito wala pang abiso sa reklamo na natanggap ang kanyang misis pero bigla na lamang ito dinakip.

“Wala syang nareceive na letter from the prosecutor, walang subpoena, walang kahit anong notice,” ani Chito.

Iginiit pa ni Chito na walang kinukuhang pera si Neri sa kahit na sinong tao.

“Sobrang bait po ni Neri…as in sooobra… Eto yung babaeng kinulong ninyo without bail, habang nakalaya pa yung mga tunay na may kasalanan,” dagdag pa ng singer.

Nahaharap si Naig sa kasong estafa kaugnay ng Presidential Decree 1689, na nagdadagdag ng parusa para sa estafa “committed by a syndicate consisting of five or more persons formed with the intention of carrying out the unlawful or illegal act, transaction, enterprise or scheme.”

Nahaharap din siya sa 14 count ng paglabag sa Section 28 ng Republic Act 8799 o ang Securities Regulation Code, kung saan kasali ang mga probisyon sa pagpaparehistro ng mga broker, dealers, salesman, at iba pang nauugnay na tao. RNT