Home NATIONWIDE Extreme caution: 6 lugar sa C. Luzon nakaranas ng labis na tag-init

Extreme caution: 6 lugar sa C. Luzon nakaranas ng labis na tag-init

MANILA, Philippines – Nagbabala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) at ipinabatid ang “extreme caution” sa mga residente ng Central Luzon dahil sa mga naitalang heat index na mula 33°C hanggang 41°C.

Ang mga lugar na ito na nakakaranas ng mataas na heat index ay kinabibilangan ng Iba, Zambales (36°C); Clark Airport, Pampanga (36°C); Central Luzon State University (CLSU), Muñoz, Nueva Ecija (38°C); Baler, Aurora (33°C); Casiguran, Aurora (33°C); at Cubi Pt., Subic Bay, Olongapo City (36°C).

Bukod dito, nagrehistro rin ang National Capital Region (NCR) ng heat index sa ilalim ng “extreme caution,” kung saan ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City at PAGASA Science Garden sa Quezon City ay parehong nagtala ng temperatura na 35°C.

Samantala, naitala ng PAGASA ang heat index sa ilalim ng “danger” level sa Tuguegarao City, Cagayan, sa 42°C. RNT

Previous articleASF vax inaasahang maaaprubahan sa Pinas ngayong 2024
Next articleHotline sa pagitan nina PBBM, Xi ‘di pa rin naitatag sa gitna ng WPS tension