MANILA, Philippines – Inabisuhan ang mga motorista na maghanap muna ng alternatibong ruta sa pagsasara ng F. Manalo Bridge sa Barangay Manggahan, Pasig City simula ngayong Lunes, Oktubre 7.
Ang tulay ay sasailalim sa repair at rehabilitasyon ayon sa Department of Public Works and Highways.
Hindi pa tukoy kung kalian muling padadaanan ang naturang tulay.
Dahil dito, inaabisuhan ang mga motorista na daanan muna ang ibang alternatibong ruta:
Marcos Highway – para sa lahat ng sasakyan
Ortigas Avenue – para sa lahat ng sasakyan
Circulo Verde Bridge – madaraanan mula alas-6 ng umaga hanggang alas-12 ng hatinggabi maliban sa mga trak, PUJs, motorsiklo at UV Express.
Matatandaang napinsala ang F. Manalo Bridge noong Hulyo sa kasagsagan ng Bagyong Carina at Habagat nang bumangga ang 13 barge at bangka sa naturang tulay. RNT/JGC