Home METRO F2F classes sa pampublikong paaralan sa NCR, suspendido – DepEd

F2F classes sa pampublikong paaralan sa NCR, suspendido – DepEd

294
0

MANILA, Philippines – Suspendido ang face-to-face classes sa mga pampublikong paaralan sa Metro Manila ngayong Oktobre 13 hanggang 14 dahil sa dumadaming kaso ng influenza-like na sakit sa mga estudyante at empleyado ng paaralan, ayon sa Department of Education-National Capital Region (DepEd NCR) nitong Linggo.

Ayon pa sa DepEd, ang mga paaralan ay dapat magpatupad ng Alternative Delivery Modalities upang maiwasan ang pagkagambala sa pag-aaral sa panahong ito.

Tinukoy din ng DepEd ang sunud-sunod na lindol na naganap sa buong bansa bilang dahilan ng suspensiyon ng klase.

Sa dalawang araw na iyon, ang mga pampublikong paaralan ay inutusan na magdisimpekta, mag-sanitize, at mag-inspeksyon sa kanilang mga gusali at pasilidad.

Iniutos din ng DepEd sa mga paaralan na maghanda para sa earthquake drills, at iba pang emergency protocols, at magpatupad ng health and safety practices.

“Private schools are also highly encouraged to observe and conduct these measures,” saad ng DepEd.

Sa kabila ng mga ulat ng pagtaas ng ILI, sinabi ng tagapagsalita ng Department of Health (DOH) na si Dr. Albert Domingo na sa buong bansa, ang mga kaso ng ILI ay mas mababa kaysa noong nakaraang taon.

Gayunpaman, suportado ng DOH ang hakbang ng mga awtoridad bilang preventive measure para mapababa ang bilang ng mga kaso.

Nauna rito, sinuspinde ng Marikina ang mga klase sa parehong petsa sa lahat ng antas para sa pribado at pampublikong paaralan dahil sa pagtaas ng mga sakit na tulad ng trangkaso. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here