CEBU, Philippines – Isang magnitude 6 na lindol ang muling tumama sa Bogo City, Cebu nitong pasado ala-1:00 ng madaling araw ngayong Lunes, Oktubre 13, 2025.
Pasado ala-1:06 ng madaling araw tumama ang isang magnitude 6 na lindol sa 14 kilometers southwest ng Bogo City, na hanggang sa ngayon ay hindi pa nakakabangon sa nangyaring magnitude 6.9 na lindol noong Setyembre 30, kung saan 71 ang naitalang namatay mula sa northern Cebu.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang lindol kaninang madaling araw, na may depth focus na 10 kilometro, ay nakaramdam ng Intensity 5 sa Villaba, Leyte; at Intensity 4 sa mga lungsod ng Cebu, Danao, Argao at Talisay at sa bayan ng Asturias, lahat sa Cebu; sa mga bayan ng Isabel, Leyte, Hilongos at Abuyog at Ormoc City sa lalawigan ng Leyte; at sa Hinunangan, Southern Leyte. Dagdag pa ng Phivolcs na inaasahan ang karagdagang pinsala at aftershocks. RNT/MND