MANILA, Philippines- Suspendido ang face-to-face classes para sa pagdiriwang ng World Teachers’ Day (WTD) at pagsasagawa ng 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE), mga aktibidad na nangangailangan ng pakikilahok ng mga guro.
Sa DepEd memorandum na may petsang Sept. 28, naglabas ng patnubay ang DepEd sa pagsasagawa ng klase sa darating na National at WTD celebration at 2023 BSKE para sa regional directors, schools division superintendents, public school heads, at iba pa.
Anang DepEd, kasado ang blended learning sa public schools sa buong bansa sa Oct. 5 para sa NTD at WTD celebration at sa Oct. 31, isang araw matapos ang 2023 BSKE sa Oct. 30.
Ayon sa DepEd, ang paglipat sa blended learning, “will allow teachers to participate in activities” sa pagdiriwang ng NTD at WTD ngayong taon.
Idinagdag ng DepEd na ang suspensyon ng in-person classes “will give them [teachers] ample time to complete election-related duties” para sa 2023 BSKE.
Lahat nf in-person classes sa public elementary at secondary schools, kabilang ang community learning centers ng Alternative Learning System (ALS), ayon sa DepEd, “shall shift to the various blended learning modalities” katulad ng modular distance at asynchronous classes.
Gayundin, idineklara ng DepEd ang suspensyon ng face-to-face classes at implementasyon ng blended learning modalities sa Biyernes, Nobyembre 3.
Batay sa Malacañang, ang Nov. 1 (All Saints’ Day) at Nov. 2 (All Souls’ Day) ay special non-working days. RNT/SA