Home SPORTS Fairtex atras sa title bout kontra Zamboanga

Fairtex atras sa title bout kontra Zamboanga

Umatras si One women atomweight world champion Stamp Fairtex sa kanyang title defense laban kay Denice Zamboanga ng Pilipinas matapos magtamo ng injury sa tuhod habang nagsasanay.

Ito ang pangalawang pagkakataon na nagkaroon ng problema sa laban. Sa simula ay naka-iskedyul para sa ONE 166 noong Marso, ang laban ay inilipat sa ONE 167 noong Hunyo 8, ngunit ang petsang iyon ay hindi rin mangyayari ngayon para kay Zamboanga.

“I’m sorry na hindi ako umakyat sa stage para i-cheer ng lahat. I work hard and I was very focused for this fight. [But] accidents can happen all the time. I promise that I’ll do my best [sa] therapy at babalik din ako sa pinakamahusay,” sabi ni Stamp sa isang pahayag.

Ayon sa press release ng ONE Championship, napilipit ni Stamp ang kanyang tuhod sa isang sparring session na nagresulta sa punit-punit na meniscus.

Naghahanap  ngayon ang promosyon ng bagong kalaban para kay  Zamboanga pagkatapos ng pangyayari.JC