Home NATIONWIDE Pagpasok sa kasunduan sa China, itinanggi ni ex-WESCOM chief Carlos

Pagpasok sa kasunduan sa China, itinanggi ni ex-WESCOM chief Carlos

MANILA, Philippines – Kinumpirma ni dating Armed Forces of the Philippines’ Western Command (AFP WESCOM) commander Vice Admiral Alberto Carlos na nakatanggap siya ng tawag mula sa Chinese military attaché ngunit kinumpirma na hindi siya pumasok sa anumang kasunduan na maaaring nakapagkompromiso ng national interest ng Pilipinas.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na sinagot ni Carlos ang umano’y “New Model” agreement sa pamamahala sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea, na matatandaang isiniwalat ng Chinese Embassy sa Manila.

Sa pagdinig ng Senado kaugnay sa wiretapping ng Chinese Embassy, sinabi ni Carlos na nakatanggap siya ng tawag noong Enero mula sa Chinese Military Attaché na tinukoy niya bilang si “Senior Colonel Li” ng Chinese Embassy.

Hindi naman niya naibigay ang buong pangalan ng Chinese military attaché.

“I did not forge any agreement at the level and magnitude that would bind our two countries for the long term and redefine foreign policy. I am only the commander of the Western Command and not even of the entire West Philippine Sea,” ani Carlos.

“As WESCOM commander, I have done my very best to provide for the welfare of WESCOM personnel. I did not enter into any secret deals that will compromise the interest of our country,” dagdag pa niya.

Sinabi ni Carlos, na ang usapan sa telepono na tumagal ng tatlo hanggang limang minuto, at sinimulan ng Chinese military attaché ay “very informal” at “casual.”

“I did not initiate the call… We talked about how to reduce the tension in the West Philippine Sea, particularly during our rotation and resupply mission in Ayungin Shoal… coming from the December 2023 RORE where our supply ships were water cannoned and we were planning for our next RORE,” pahayag ni Carlos.

“We did not discuss the ‘new model.’ The term(s) ‘common understanding, new model’ were not part of our conversation, Mr. Chair,” dagdag pa nito.

Hindi na nagbigay pa ng karagdagang impormasyon si Carlos tungkol sa usapan, ngunit sinabi sa Senate national defense committee na handa niyang sabihan ang mga senador kaugnay sa operational concept para sa RORE, na sangkot ang naturang telephone conversation, sa isang executive session. RNT/JGC