Home ENTERTAINMENT Fake photo ni Angel sa ABS-CBN ball, bumenta!

Fake photo ni Angel sa ABS-CBN ball, bumenta!

Manila, Philippines – Did Angel Locsin show up at the recent ABS-CBN Ball 2023 or did she not?

May isang handler named @pookiepay ang nag-tweet ng larawan ni Angel.

Sa litrato, Angel was clad in a red gown and looked sexy as she did before.

To lend credence to the photo, may background pa ito ng nasabing event.

Kamukat-mukat mo, it turned out to be an edited photo na pinaniwalaan ng mga netizens.

Mismong ang X user ang umaming ginawa niya ‘yon dahil “baka dumating si Madam!”

Apparently a huge fan of the actress, obyus na nami-miss nito ang kanyang idolo lalo pa’t dati namang uma-attend ito ng mga network events.

Asang-asa ang maraming fans na baka tinuldukan na ni Angel ang kanyang self-imposed hiatus by surprising everyone with her presence.

Ayon naman sa mismong kampo ng aktres, baka raw mapulaan pa ito should she show up at the ball.

Dahil kung matatandaan, no-show rin si Angel sa burol ng kanyang dating manager na si Ethel Ramos.

Umiwas daw si Angel sa maaaring ipintas laban sa kanya, as in pagdating sa masayang pagtitipon ay present siya pero pagdating sa pakikiramay ay wala!

Bilang pampalubag-loob na rin ng mga netizens sa kanilang sarili, inisip na lang nila that Angel was busy attending more important matters like family than go partying.

Lalo’t hindi naman daw niya maaaring karayin ang asawang si Neil Arce. Ronnie Carrasco III