Home NATIONWIDE PNP may bagong lead sa imbestigasyon sa Abra lawyer slay

PNP may bagong lead sa imbestigasyon sa Abra lawyer slay

MANILA, Philippines- Ginamit din ang baril na armas sa pagpatay sa babaeng abogado sa Abra sa hindi bababa sa tatlong shooting incidents, na nagpapahiwatig na ang assailants ay myembro ng gun-for-hire group, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Inilahad din ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo na isa pang positibong lead sa imbestigasyon sa pagpatay sa abogadong si Maria Saniata Liwliwa Alzate ay ang pagkakarekober sa motorsiklong ginamit ng gunmen sa krimen.

“Based on the macro-etching that was done on the recovered motorcycle, it was found out that the motorcycle was bought in July 2023 by a company which later sold it to an individual,” pahayag ni Fajardo.

“Also based on the cross-matching of the recovered fired cartridges, these matched previous shooting incidents. So there are strong indications that the assailants involved are possibly members ng gun for hire group,” patuloy niya.

Noong Sept. 14, nakasakay si Alzate sa kanyang sasakyan sa Bangued nang pagbabarilin siya ng gunmen. Idineklara siyang sa ospital matapos magtamo ng walong tama ng bala.

Natukoy na ng mga imbestigador ang isa sa mga suspek at sinabi ni Fajardo na inihahanda na nila ang mga kinakailangang dokumento para sa paghahain ng kaso. RNT/SA