Home NATIONWIDE False fire alarm sa Air Traffic Management nagdulot ng kabi-kabilang flight delays...

False fire alarm sa Air Traffic Management nagdulot ng kabi-kabilang flight delays – CAAP

278
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na iniimbestigahan na nito ang false fire alarm na nagdulot ng pagkaantala sa operasyon sa Air Traffic Management (ATM) Center nitong Martes, Nobyembre 11.

Ang alarm ay naitala bandang 1:24 ng madaling araw dahilan para paganahin ang safety protocols at pansamantalang ipatigil ang mga departure.

Dahil dito ay naantala ang 59 commercial at cargo flights ng 45 minuto bago na-clear para sa departure.

Pitong flight na paparating din ang naapektuhan, sinabi ng CAAP.

Nagbalik sa normal ang operasyon bandang 2:50 ng madaling araw at ang lahat ng restriksyon ay inalis 3:16 ng madaling araw.

Ayon sa CAAP, ito ay magsasagawa ng “internal investigation to prevent similar occurrences.” RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here