Manila, Philippines – Aminado ang sexy actress na si Lea Bernabe na madalas siyang makatanggap ng indecent proposals. Kabilang daw dito ang mga DOM at politician.
Naniniwala ang sexy actress na ang posibleng rason ng mga indecent proposals sa kanya ay dahil sa mga pampainit na pelikula kung saan napapanood ang kanyang malupit na love scenes sa VMX.
Palaban at wala kasi siyang takot sa pagpapasilip ng kanyang kaseksihan sa mga ginagawa niyang projects
Esplika niya, “Madami po, sobra… may politician po, may DOM po, lapitin talaga po ako ng DOM. Hindi ko na lang pansin po pero iyong iba makulit, magpapadala talaga sila nang biglaan. Like, nag-a-ask kung ano Gcash ko, ganoon po.
“Pero nagpapasalamat ako kapag ganoon, pero kapag iba na ang gusto, hindi ko siyempre po re-reply-an… kaya sila na mismo talaga ang lumalayo o tumitigil.”
Nakangiting pahabol pa niya, “As a sexy star, ang dami talaga niyan, hindi na bago po. Pero dapat talaga ay marunong kang mag-handle sa mga ganoong sitwasyon po.
“Iyong mga fans lang, iyong iba na madalas… kasi nga malamang na nadadala sila sa mga napapanood nilang sexy scenes at love scenes ko sa VMX.
“Marami na rin akong nagawang projects like itong Huwad, Boy Kaldag, Walkers, Silip, Malagkit, Sipsipan, at Wow Mani.
“Actually, sa lahat naman po ng ginagawa kong project ay bigay-todo ako, all out po ako. Doon sa Malagkit at Sipsipan naman, ang ipinakita ko ay hindi lang ka-sexyhan, may ipinakita rin ako sa drama, kumbaga po, ipinakita ko na marunong din po ako sa acting.”
Siyempre, hindi niya puwedeng banggitin ang names ng mga politician?
“Hahaha! Hindi po puwede, hahaha! Baka po mamatay tayo, hahaha!” pabirong sambit pa niya.
Pero ano ang mga offer sa kanya? Car? Condo? Cash?
“Lagi pong cash ang offer, pero I won’t disclose na lang the amount po,” nakangiting sambit pa ni Lea. Nonie Nicasio