MANILA, Philippines- Bumaba ang farm at fisheries production value ng bansa ng 3.7% year-on-year sa P397.43 bilyon para sa ikatlong quarter, ayon sa Department of Agriculture (DA) nitong Miyerkules.
Sinabi ng DA na ito ay dulot ng masamang panahon at epekto African Swine Fever sa hog production.
Batay sa Philippine Statistics Authority (PSA) data, sinabi ng DA na ang halaga ng palay production ay bumaba sa ikatlong quarter ng 12.3% year-on-year, nagresulta sa 5.1% pagbaba sa overall crop output, na nagkakahalaga ng P211.62 bilyon.
Pumalo naman ang crops sa 53% ng total value of production, habang ang livestock ay nasa 16%. Bumaba ang halaga ng livestock output ng 6.7% sa P61.67 bilyon.
Samantala, bumaba ang hog production ng 8%.
Samantala, bnumaba ang production value ng fisheries subsector ng 5.5% year-on-year sa P55.48 bilyon sa ikatlong quarter.
“Undeniably, the combined effects of El Niño and La Niña weighed down palay production, a major contributor to the crop sector, which accounts for more than half of the value of agricultural and fisheries output,” pahayag ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr.
“We’re implementing changes to the rice cropping calendar and building infrastructure like water impounding dams to mitigate the impact of climate change on the farming sector,” dagdag niya.
Subalit, sinabi ni Tiu Laurel na tumaas sa ilang salik tulad ng 1.3% dagdag sa halaga ng corn production at 5.8 % pagtaas sa poultry output value.
Umabot ang value ng poultry production sa P68.66 bilyon sa nasabing quarter. RNT/SA