Home NATIONWIDE CICC nagbabala vs e-wallet phishing scams

CICC nagbabala vs e-wallet phishing scams

MANILA, Philippines- Nagbabala ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) nitong Miyerkules sa publiko hinggil sa phishing scams na nagpapanggap na e-wallet entities.

Sinabi ni CICC Director Alexander Ramos na na-monitor ng ahensya ang bagong modus operandi kung saan nakatatanggap ang users ng text messages na nagpapanggap na ipinadadala ng e-wallets na nagpapaalalang i-update ang kanilang accounts sa pamamagitan ng link, kung hindi ay isasara ito. 

Subalit, inihayag ni Ramos na pag nag-click sa bogus links, mabubuksan ng scammers ang account ng user, na magbibigay-daan upang mapakialaman ang e-wallets. 

“With all the raids sa POGO scam centers, magbabago ng technique ang natitirang operators…Na-detect namin nag-uumpisa sila mag-proliferate ng messages in the disguise of SMS message coming from GCash and Maya,” ani Ramos sa Kapihan sa Manila Bay. 

Nagsimulang maglipana ang scam messages noong long weekend para sa Undas sa ilang lugar kabilang ang Quezon City at Makati.

“Ito ay isang particular device na illegal na pinasok sa Pilipinas. Para itong text blaster on the move. Nagp-project sya ng messages at tine-take over ang signal,” anang opisyal.

“Sa ating mga kababayan for this Christmas Season, wag kayo madadala sa alarming messages coming from Gcash or Paymaya. They are coordinating with the DICT and with the NTC,” giit pa ni Ramos. RNT/SA