Home ENTERTAINMENT Farm ni Angelica, ipinangalan sa ina!

Farm ni Angelica, ipinangalan sa ina!

Manila, Philippines- Matagal-tagal ding namahinga sa social media ang Homan couple.

Sa latest vlog nga ng The Homans, inamin ni Angelica Panganiban, the recent string of events forced them to lay low.

Isa na nga rito ang pagkamatay ng ina ng aktres.

Matatandaang pumanaw ang kung tawagin ni Angelica na Mommy Ebela (short for Annabelle) nitong August 20.

Aniya, biglaan daw ang pamamaalam nito.

“But life goes on,” saad ng aktres who felt she had to pick up the broken pieces sa kanyang buhay.

Isa na nga sa mga paraan to achieve this ay ang ipagdiwang ang mga kaarawan ni Gregg Homan at anak na si Amila.

The intimate occasion was held at Ebela’s farm, pag-aari ng mag-asawa na sinadya nilang ipangalan sa yumaong ina ng aktres.

“Since hindi pa naitatayo ang Ebela building, sa farm muna,” saad ni Angelica.

Kasama sa joint birthday celebration ng dalawang September-born na mahal sa buhay ng aktres were Gregg’s friends.

Sa side naman ng aktres ay present si direk Andoy Ranay, isa sa mga ninong ni Amila.

Hindi malinaw kung nakisaya rin ang dalawang kasama ni Angelica sa grupong AngBeKi na sina Bela Padilla at Kim Chiu. Ronnie Carrasco III