Home NATIONWIDE Bato, 4 ex-PNP execs pinangalanan sa ICC investigation – abogado

Bato, 4 ex-PNP execs pinangalanan sa ICC investigation – abogado

MANILA, Philippines- Pinangalanan ng Office of the Prosecutor ng International Criminal Court na nag-iimbestiga sa umano’y mga pagpatay na iniuugnay sa drug war sa Pilipinas si Senator Ronald “Bato” Dela Rosa at apat na dating top Philippine National Police (PNP) officials bilang “possible suspects” sa imbestigasyon nito.

Batay sa ulat, tinukoy sila ni human rights lawyer Kristina Conti, isang ICC assistant to counsel, sa pagdinig ng House of Representatives Quad Comm nitong Biyernes.

“Most recently, the Office of the Prosecutor of the International Criminal Court identified five possible suspects in the investigation of crimes against humanity in the Philippines,” wika niya.

Inihayag ni Conti na ang lima ay sina Dela Rosa, dating PNP chief Oscar Albayalde, dating PNP Intelligence Officer Eleazar Mata, dating Criminal Investigation and Detection Group chief Romeo Caramat Jr., at dating National Police Commission commissioner Edilberto Leonardo.

“Two of those who are named as suspects in the document, as of now it is verified,” wika ng opisyal.

“In fact, the ICC is looking at a variety of actors even regional, provincial and city level directors in-charge of coordinating all operations on the ground. The working theory of the ICC is that these killings were under the instruction of a group in particular the Davao boys or the Davao group,” dagdag ni Conti.

Sa kasalukuyan ay wala pang komento ang mga nabanggit na indibidwal.

Hulyo ng taong ito nang magsiwalat ng parehong impormasyon si dating senador Antonio Trillanes IV at tinukoy ang limang pangalan, batay umano sa “documents.”

Sa X (dating Twitter), nag-post si Trillanes ng umano’y redacted copy ng kautusan mula sa ICC’s Office of the Prosecutor (OTP) kung saan pinangalanan si Dela Rosa at iba pa bilang mga suspek sa ICC case laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

“[T]he OTP (Office of the Prosecutor)  has reasonable grounds to believe that the following retired and serving members of the PNP have committed crimes within the jurisdiction of the OTP,” saad sa kautusan sa post ni Trillanes. RNT/SA