Home NATIONWIDE Farmers group sa rice tariff cuts: NEDA ‘di nakipag-ugnayan sa amin

Farmers group sa rice tariff cuts: NEDA ‘di nakipag-ugnayan sa amin

MANILA, Philippines – Hindi nakipag-ugnayan ang National Economic and Development Authority (NEDA) sa farmers group kaugnay sa paglikha ng Rice Tariffication Act, ito ang inihayag ni Federation of Free Farmers chairman Leonardo Montemayor nitong Martes, Hunyo 11.

Sa Senate Committee hearing on Agriculture, Food, and Agrarian Reform, sinabi ni Montemayor na hindi sila sang-ayon sa pagpapalawig ng Executive Order No. 10 dahil “it did not work in the past.”

Anila, nabigla sila sa paglalabas ngEO 50 hanggang 2028, dahil naniniwala umano silang ito ay temporary measure lamang na ipatutupad hanggang sa katapusan ng 2024.

“That EO was only supposed to be a stopgap or temporary measure. Bakit [extended] all the way to 2028? Ginawang permanent na ata ito nang wala pong konsultasyon. Wala pong konsultasyong ginanap, wala naman pong tariff commission hearings,” ani Montemayor.

Pagpapatuloy pa, sinabi niya na ang desisyon ang dahilan kung bakit itinutulak nila ang pagbibitiw ni NEDA Secretary Arsenio Balicasan.

“According to Secretary Balisacan, dumaan po sa proseso. Wala naman pong nangyaring ganon. That’s why we were calling for his resignation,” dagdag niya.

“We’re worried because right now, the prices of imported rice mahal pa rin po tapos yung piso natin humihina… Totoo na bababa [ang presyo ng bigas] ng siyete pero doon po sa landed cost, pero po pagdating sa retail di po yan mangyayari,” pagpapatuloy pa ni Montemayor.

“Our own analysis, and even the DA, based again on PSA data, we have 60 to 66 days’ supply. We are safe in terms of supply at least in 2024. Iba ang sabi ng PSA… That is another area na dapat siguro magkaroon ng tamang koordinasyon para yung data po tama [PSA data says differently… That is another area that we may have to ensure proper coordination so that the data is correct].”

Tugon naman ni NEDA Director Frances Fatima Cabana, batid nila ang mga pangamba ng mga grupo ng mga magsasaka at ipinadala na ito sa kinauukulan.

Bago rito ay sinabi na ni NEDA chief Balicasan na ang panawagan na putulin ang rice tariffs ay “not made lightly.”

“The goal of the NEDA Board in reducing the tariff rate of rice is to ensure that Filipinos have access to nutritious and affordable food, particularly rice, while managing inflation and sustaining our economic growth momentum… We are investing in infrastructure, promoting the adoption of modern technologies, improving market and financial access for local producers, and building resilience to climate change,” saad sa pahayag ni Balisacan.

Sa kaparehong pagpupulong, sinabi rin ng Philippine Statistics Authority na ang lahat ng mga komento sa kanilang datos ay ipadadala sa mga concerned agency. RNT/JGC