Home NATIONWIDE FB page, hotline sa pagsusumbong sa mga ‘dayuhang politiko’ ipinanukala

FB page, hotline sa pagsusumbong sa mga ‘dayuhang politiko’ ipinanukala

149
0

MANILA, Philippines – Habang papalapit na ang 2025 elections, nagbigay ng suhestyon si Senador Loren Legarda kung paano maisusumbong ang mga dayuhang nagpapanggap na Filipino para makatakbo sa posisyon sa pamahalaan.

Ayon kay Legarda, maaaring bumuo ng isang Facebook page o hotline kung saan maaaring makapagsumbong ang publiko.

Ito ay kasunod ng tanong patungkol sa mga indibidwal na nagbabalak tumakbo sa politika sa kabila ng mga kontrobersiya na katulad ng kinakaharap ni dismissed Bamban Mayor Alice Guo.

“Sigurado nga ako sa dinami-dami nyan, malay mo konsehal. Magkaroon sana tayo ng hotline or Facebook page to report foreign nationals who either in the barangay level or SBs (sangguniang bayan) or mayors or whatever,” ayon sa senador.

“Report, ilagay mo yung kilala mo kapitbahay mo, dito natin kailangan ng mga marites […] Si barangay information network importante yan, local media – gawa kayo FB page [o] tayo na nga: Report foreign nationals who are masquerading as Filipinos,” dagdag niya.

Ani Legarda, hindi basta-basta makikita ng publiko ang mga dayuhang ito. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here