Home METRO Rider utas sa salpukan ng motorsiklo at bus sa Isabela

Rider utas sa salpukan ng motorsiklo at bus sa Isabela

191
0

CABAGAN, Isabela – Sinalubong na ni kamatayan ang isang rider matapos ang banggaan ng motorsiklo at pampasaherong bus sa Cabagan, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Lomido Talosig, 62 taong gulang at residente ng Caniogan Alto, Santo Tomas, Isabela habang ang bus na nabangga nito ay isang Florida bus na minaneho ni Fortunato Massigan, 41 taong gulang, may asawa at residente ng Liwanag, Tumauini, Isabela.

Pauwi na umano ang biktima sa kanilang bahay sakay ng kanyang motorsiklo at nakasalubong ang bus na patungo naman sa Maynila.

Sa pagsisiyasat ay umagaw ng linya ang rider kaya nagkaroon ng head-on collision sa kasalubong na bus.

Napag-alaman naman ng pulisya na lasing si Talosig nang mangyari ang insidente at wala ring suot na helmet.

Dahil sa head-on collision ay nagtamo ng malubhang sugat sa katawan ang biktima na nadala pa sa Milagros District Hospital subalit idineklara nang dead on arrival ng kanyang attending physician. Rey Velasco

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here