Home METRO FB page ng PCG nabawing muli

FB page ng PCG nabawing muli

MANILA, Philippines – Nabawi na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang kanilang official Facebook page na muling na-hacked kamakailan.

Ayon sa PCG, alas 9 ng umaga ng Abril 2 nang tuluyan nang marekober ng Coast Guard Public Affairs Service (CGPAS) ang kanilang account.

Ayon kay PCG Spokesperson, CG Rear Admiral Armand Balilo, nakipag-ugnayan ang CGPAS sa Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) sa ilalim ng Department of Information and Communications Technology (DICT) at Meta upang magsagawa ng backend operations at i-assess ang security breach.

Nakatakda ring magsagawa ang CGPAS ng panibagong hardware check sa mga IT expert mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP) para palakasin ang cybersecurity measures nito. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)