Home METRO 3 paslit sa Pampanga patay sa pertussis

3 paslit sa Pampanga patay sa pertussis

MANILA, Philippines – Kinumpirma ni Pampanga Provincial Board Member Mylyn Pineda Cayabyab ang tatlong pagkamatay ng pertussis sa kanyang lalawigan.

Sinabi ni Cayabyab na mayroong 48 kaso sa Central Luzon at 12 ang nakumpirma sa Pampanga.

“Ang mga bata iwasan po muna natin ang mga gatherings iyong inilalabas natin sila, kasi ang proteksyon nila, hindi pa naman kasing lakas ng mga iyan. Iwasan mga newborn na mailapit sa may ubo,” paalala niya.

Nanawagan naman ang mga magulang at netizens sa pamahalaang panlalawigan na iutos ang pagsasagawa ng online classes upang maiwasan ang mga bata na ma-expose sa pertussis, na kilala rin bilang whooping cough. RNT

Previous articleOpisyales at empleyado ng Taguig, kinasuhan ng Makati
Next articleFB page ng PCG nabawing muli