Home METRO Opisyales at empleyado ng Taguig, kinasuhan ng Makati

Opisyales at empleyado ng Taguig, kinasuhan ng Makati

MANILA, Philippines – Sinampahan ng kasong graft ng lokal na pamahalaan ng Makati ang isang opisyal ng Taguig kabilang ang dalawang empleyado nito sa Office of the Ombudsman dahil sa di-umanoý pag-delay sa pagpapalabas ng iba’t-ibang dokumento ng tax clearance.

Base sa sampung pahinang reklamo ng lokal napamahalaan ng Makati ay kinilala ang mga inirereklamo na si Taguig City Treasurer Voltaire Enriquez at ang dalawang tauhan nito na sina Jessie Garcia at Erika Macaligtas, na di-umanoý lumabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act, Grave Misconduct, Gross Neglect of Duty at Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service.

Nag-ugat ang pagsasampa ng kaso laban sa mga nabanggit na empleyado dahil sa 11-buwan delay sa pagrelis ng dokumento sa tax clearance ng Taguig City Treasurer’s Office para sa tatlong parcel ng lupa na binili ng lungsod ng Makati sa Bases Conversion and Development Authority (BCDA) sa halagang P146,503,273.

Ipinaliwanag ni Makati City Mayor Abby Binay na matapos makumpleto ang transaksyon at pagbabayad ng buwis ay naipagkaloob ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa lungsod ng Makati ang Certificate Authorizing Registration para sa Transfer Certificate of Title ngunit para mailipat ang titulo sa Makati ay kinakailangan na maisumite ng lungsod ang Tax Declarations ng tatlong parcel ng lupa, Local Tax Clearances ng Taguig at Proof of Payment ng Local Transfer Taxes na magmumula sa Taguig Register of Deeds.

“The Taguig City Government has shown on many occasions a contemptuous disregard for the law. Aside from the unjustifiable delay in the release of tax clearance documents, they have harassed our employees and are now facing charges of illegal detention and grave coercion. Their obsession to grab properties owned by Makati seems to have compromised their judgement, public conduct, and sense of decency,” ani Binay.

Sinabi ni Binay na bagamat madaling nakuha ng lungsod ang mga dokumento ng tax declaration sa Bureau of Internal Revenue (BIR) ay nagkaroon naman ng delay sa pagrelis ng tax clearance at assessment sa pagbabayad ng local transfer taxes sa Taguig.

Dagdag pa ni Binay na sa kabila ng maraming beses ng pag-follow up ay napag-alaman lamang sa mga nabanggit na respondents na ang aplikasyon ng tax clearance ay nananatiling naka-pending sa Taguig City Treasurer’s Office na wala man lamang katanggap-tanggap na dahilan sa pangyayari ng delay.

“Despite having certified true copies of the tax declarations, we have yet to obtain the tax clearance documents or a tax assessment of possible taxes due to the City of Taguig. We have repeatedly followed up and sent a letter request on May 05, 2023 but the respondents intentionally delayed the procedure,” ani pa ni Binay na nagsabing sa ilalim ng Taguig City’s Citizen’s Charter ay aabutin lamang ng tatlong araw para sa indibidwal at limang araw naman para sa mga korporasyon ang paghihintay para mailabas ng Taguig City Treasurer’s Office ang mga nabanggit na dokumento.

Nahaharap ang mga nasasakdal na empleyado sa kasong paglabag sa Section 3f ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act na nagsasabing “Neglecting or refusing, after due demand or request without sufficient justification, to act within a reasonable time on any matter pending before him for the purpose of obtaining, directly or indirectly, from any person interested in the matter some pecuniary or material benefit or advantage, or for the purpose of favoring his own interest or giving undue advantage in favor of or discriminating against any other interested party.”

Napag-alaman din sa reklmao ng Lungsod ng Makait na ang mga nabanggit na empleyado g Taguig ay nahaharap sa kasong administratibo dahil sa grave misconduct, gross neglect of duty, at conduct prejudicial to the best interest of the service. (James I. Catapusan)

Previous articleRecord $103.6B PH exports naitala sa 2023 – DTI
Next article3 paslit sa Pampanga patay sa pertussis