Home NATIONWIDE Record $103.6B PH exports naitala sa 2023 – DTI

Record $103.6B PH exports naitala sa 2023 – DTI

MANILA, Philippines – NAKAPAGTALA ang Philippine exports ng record na $103.6 billion noong 2023.

Sinabi ng Department of Trade and Industry (DTI) na ang halaga ng full-year exports ng goods at services ay tumaas ng 4.8% mula 2022.

“The information technology-business process management (IT-BPM) and tourism sectors were the main drivers of growth,” ayon sa DTI.

Ang travel services ay nakapag-ambag ng $9.1 billion sa ekonomiya noong 2023, habang ang services exports ay lumago ng 17.4%, nakapag-ambag ng 13% sa gross domestic product.

Sa kabilang dako, Inamin ng DTI na nananatiling may natitirang pang ilang hamon sa global market.

Sinabi pa ng DTI na ang overall contribution ng exports sa economic growth ay nabawasan dahil sa mahinang external demand para sa mga kalakal.

Subalit, tiniyak naman ng departamento sa mga exporters ang patuloy na pagsisikap na tugunan ang kanilang mga concerns at tulungan ang kanilang mga negosyo na maging mas “competitive” gaya ng palawigin ang services industry na inabot ng pagpasok ng bagong merkado. Kris Jose

Previous articleSolon sa kababaihan: ‘Wag muna mag-panty para ‘di mainitan!
Next articleOpisyales at empleyado ng Taguig, kinasuhan ng Makati