Home OPINION FDA MAGPAPATAW NG KAUTUSAN SA MGA  PRODUKTONG MAY EPEKTO SA KALUSUGAN

FDA MAGPAPATAW NG KAUTUSAN SA MGA  PRODUKTONG MAY EPEKTO SA KALUSUGAN

155
0
IKINATUWA ng Department of Health (DOH) ang naging desisyon ng Korte Suprema sa petisyong inihain ng Philippine Tobacco Institute (PTI) at ni Albay 1st district representative Edcel Lagman ukol sa regulatory authority ng Food and Drug Admi­nistration (FDA) sa aspektong pangkalusugan ng tabako.
Sa desisyong inilabas ng SC En Banc, pinagtibay nito ang naging posisyon noong 2021 na alinsunod sa Republic Act No. 9711 o ang FDA Act, may kapangyarihan ang ahensiya na magpataw ng mga direktiba at kautusan hinggil sa aspektong pangkalusugan ng tabako. Binigyang-diin din ng Kataas-taasang Hu­kuman na ang DOH ay responsable sa pangkalahatang regulasyon ng produktong tabako sa bansa sa pamamagitan ng FDA.
Dagdag pa ng SC, walang eksklusibong hurisdiksyon ang Inter-Agency Committee Tobacco sa mga produktong may tabako at sa aspektong pangkalusugan nito.
Sabi ng Kataastaasang Hukuman, lahat ng produktong may epekto sa kalusugan kabilang ang mga produktong tabako ay saklaw ng mandato ng FDA.
Alinsunod din umano ito sa World Health Organization’s Framework Convention on Tobacco Control (WHO-FCTC) na nilagdaan ng Pilipinas.
Matatandaan na unang pumabor ang regional trial court sa petisyon ng PTI pero binaliktad ito ng SC noong 2021.
Itinuturing ng DOH na malaking tagumpay ang pinakahu­ling desisyon ng Kataastaasang Hukuman na pumabor sa kalusugan ng mga Filipino.
Taong 2023, naging sentro ng panawagan ang “We need food, not tobacco” para sa pagbabawas ng taniman ng mga tabako na siyang pangunahing sangkap sa paggawa ng sigarilyo at gawin itong taniman ng palay o mga gulay para maseguro ang seguridad sa pagkain.
Batay sa datus ng WHO o World Health Organization, limang milyon katao o isa sa bawat segundo ang namamatay sa buong mundo na may direktang kinalaman sa tabako. Ito ang isa sa “biggest public health threats” at pangunahing dahilan ng maraming chronic diseases, cancer, lung diseases at cardiovascular diseases.
Sa datus ng kagawaran, umaabot sa mahigit 112,000 ang namamatay na Filipino dahil sa tabako kung saan 96,000 o 85 percent ay dahil sa paninigarilyo at 22,000 o 19 percent ang dahil sa second-hand smoking.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here