Home NATIONWIDE FDI net inflows sumadsad sa four-month low noong Enero – BSP

FDI net inflows sumadsad sa four-month low noong Enero – BSP

99
0

MANILA, Philippines – Bumagsak sa four-month low ang net inflows ng foreign direct investment noong Enero kasabay ng pagtimbang ng mga investor sa geopolitical risks, batay sa datos na inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ngayong Biyernes, Abril 10.

Sa datos, nakita na ang FDI inflows ay nasa $443 million noong Enero na mas mababa sa $560 million na naitala sa nagdaang buwan at $729 million sa kaparehong buwan noong 2025.

Ito rin ang pinakamababa mula sa $316 milyon na FDI inflows noong Setyembre.

“This suggests that rising geopolitical risks are weighing on investor sentiment,” saad sa pahayag ng BSP.

Sakop ng FDI data ang investments ng foreign investors sa mga kompanya sa Pilipinas na mayroong 10% na pagmamay-ari, kabilang ang mga pondo mula sa overseas affiliates sa kanilang Philippine parent firms.

Bumaba rin ang net equity capital placements sa naturang buwan sa $70 million mula sa $180 million noong Disyembre at $88 million sa nakalipas na taon, habang ang reinvestment of earnings ay bumaba rin sa $53 million mula $80 million sa nagdaang buwan at $122 million sa nakalipas na taon.

Ang equity capital placements ay karamihang nanggagaling sa Japan, Estados Unidos, at South Korea na dumadaan sa manufacturing, real estate, at wholesale at retail trade industries.

Samantala, ang net debt instruments para sa buwan ng Enero ay naitala sa $320 million, mas mataas sa $300 million noong Disyembre ngunit mas mababa sa $519 million noong Enero 2025. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here