Home ENTERTAINMENT ‘Fetish’ ni Paulo, nabisto!

‘Fetish’ ni Paulo, nabisto!

Manila, Philippines – Videos cannot lie.

Kung ito ang ihahaing katibayan sa hukuman ng pag-ibig, idedeklarang “guilty as charged” si Paulo Avelino!

Nabukelya kasi ang fetish niya sa mga girls.

Ang “fetish” na tinatawag ay ‘di pangkaraniwang source of sexual pleasure not necessarily associated with sex.

Kinilig kasi ang mga fans and shippers alike nina Paulo at Kim Chiu sa isang video ng isang netizen, apparently a KimPau fan.

Makikita kasi na karga-karga ng aktor ang Chinita Princess.

Ang siste, sa panayam sa kanila ni MJ Felipe ng ABS-CBN ay ipina-reenact sa kanila ana eksena hango sa Pinoy adaptation ng kanilang serye.

Nagpaunlak naman sina Kim at Pau.

Ang eksena ngang naisip nilang i-reenact ay nang kargahin ni Paulo si Kim.

Makikitang in the process ay parang tumama ang kamay sa bandang kilikili ni Kim.

At ‘yun na nga, nahagip ng camera ang pasimpleng pag-amuy-amoy ni Paulo ng kanyang kamay.

Sapat na ang eksenang ‘yon para sama-samang i-post ng mga netizens na bistado na nila ang fetish ni Paulo.

May mga netizens na ‘di ‘yon kinaya pero mas lamang ang mga kinilig sa sweet moment na ‘yon.

What’s wrong nga naman with Kim’s kilikili kung mabango naman nang amuyin ni Paulo?

Get real! Ronnie Carrasco III