Home METRO Fetus nadiskubre sa Malate church

Fetus nadiskubre sa Malate church

2
0

MANILA, Philippines – Nadiskubre ang isang babae fetus sa loob ng isang box na pinalabas na isang donasyong mga damit para sa Malate church sa Maynila. 

Sa inisyal na ulat ng Manila Police District (MPD), nadiskubre ng security ang fetus noong Sabado.

Nakakabit pa umano ang umbilical cord ng fetus na nakabalot sa isang duguang bedsheet.

Ayon sa pulisya, diniliber at iniwan ng isang babae na nagpakilalang Lalamove rider ang isang milk supplement box sa Simbahan alas 9:40 ng gabi ng Biyernes.

Ayon sa security na nakadiskubre, nagpakita ng booking receipt ang rider at ang box ay galing umano sa isang ‘Mam Cora’.

Nang buksan nakita ang fetus na nakabalot ng duguang bedsheet na may mga kasama pang mga damit.

Agad na humingi ng assistance ang security para sa masusing imbestigasyon.

Dinala ng pulisya ang fetus sa J.Roa Funeral para sa safekeeping.

Masusi naman itong  iniimbestigahan upang matukoy kung sino ang iresponsableng ina ng fetus na dinala sa naturang Simbahan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here